Sunday, July 9, 2017

Top 3 Destinations sa Pilipinas!




Top 3 Destinations sa Pilipinas


                    Sa sobrang lawak at dami ng isla sa Pilipinas hindi ka talaga makakapag- pasya kung saan mo gusto pumunta sa sobrang dami ng mga lugar at pati na rin sa iba't ibang pagkain na taglay ng bawat lalawigan. 


                   Alam niyo ba na may mga seven thousand na mga isla ang buong Pilipinas? Kaya dahil dito marami ka talagang pwedeng puntahan tapos napakayamang kultura ang taglay ng bawat lalawigan at may iba't ibang wika rin ang mga ito na tinatawag na dialekto.

                   Sa lahat ng mga pwede mong puntahan dito sa Pilipinas, pumili ako ng tatlong destinasyon na dapat mong puntahan at maranasan mo.






Isa sa magugustuhan niyong lugar ay ang mala-paraisong mga dalampasigan sa bayan ng Aklan sa Boracay. Ang Boracay ay isang isla nakilala sa mga natataglay na mga resorts at hotels pati rin ang taglay nitong mapuputing buhangin sa mga beaches na may kasama mga palm trees sa palagid. 

Dinadayo ito ng mga tao tuwing mainit ang panahon para magbakasyon at mas lalong masaya ang bakasyon kapag kasama mo ang pamilya mo para magkaroon ng family bonding at magandang lugar din ito kapag naghahanap kayo ng mapagbakasyunan  ng iyong mahal sa buhay. napaka dami ka rin pwedeng gawin sa mga resorts at hotels ng Boracay tulad ng mga water sports para maiwasan ang init. Kapag naghahanap ka naman ng kainan asahan mo na marami silang pagkain na seafoods dahil sa isla nga ang Boracay.




Ang Baguio City ay kilala bilang Summer Capital of the Philippines dahil napaka lamig ang klima dito at pinupuntahan ito tuwing bakasyon para makapag palamig at para makita ang mga iba't ibang tourist attractions dito tulad lang ng The Mansion na kilala bilang official summer palace of the President of the Philippines na pinupuntahan ng mga karamihan para makita ang kagandahan at kalinisan ng lugar at makapag litrato sa harap nito.


 Nandyan rin ang Burnham Park at marami rin mga bata ang gusto maglaro at sumakay sa mga barko na nandito. Ang burnham park isa rin sa mga kilalang kilala ng mga parks sa buong Pilipinas dahil sa ganda na taglay nito at napaka dami ng mga bata na naglalaro dito at ang sumasakay sa mga barko sa man made lake. kilalang kilala pa sa baguio city ang kanilang mga strawberry farms na kanilang mapagmamalaki at ang ginagawa nila sa mga strawberries nila ay ang gawing jam o kaya gamitin ito para gumawa ng strawberry flavored taho.




Ang Palawan ay kilalang kilala para sa underground river na matatagpuan sa puerto princesa. Pinupuntahan ito ng mga tao para masilayan ang ganda at makapag langoy sa mga rivers at lagoons na meron ito na napaka linaw ng tubig na kitang kita mo na ang lupa sa baba ng mga river at lagoon dito. 



Kung hanap mo naman ay magbakasyon sa pa pagkatapos mong makita ang underground river ang mapupuntahan mo naman ay ang El Nido sa Palawan namakikita mo ang maputing buhangin sa mga beaches nito at sa napaka maliwanag na tubig at pwede ka rin makapag diving sa mga diving sites na meron tulad ng mahabang tunnel papunta sa isang underwater cavern sa Dilumacad.